CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang makauwi na ang kapitan kasama ang kanyang anim na crew na unang nailigtas ng Philippine Coast Guard 10 sa karagatang sakop ng Misamis Oriental pabalik sa Surigao Provinces ng Caraga Region.
Ito ay matapos pawang nag-negatibo si JJBA SEABREEZE 8 cargo ship Capt Ferdinand Bancuyo at ang kanyang kasamahan nang isinailalim ng Rapid Diagnostic Test laban sa posibleng infection ng coronavirus disease nang malunod at iniligtas sila ng mga personahe ng PCG dahil nahampas ng malakas na hangin at malaking mga alon ang barko na sinaksayan nila.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Sugbongcogon Mayor Mildred Lagbas na agad dinala sa kanilang isolation unit ang mga biktima upang masiguro na masuri ang kanilang kalagayan lalo pa’t nanatiling zero case pa ng bayrus ang kanilang lugar.
Inihayag ni Lagbas na nakaugnayan na rin nila ang may-ari ng barko na minaneho ni Bancuyo at naghayag na personal sila na susunduin ng sasakyan para makabalik sa kanilang mga tahanan.
Magugunitang una nang sinabi ni Bancuyo na nasa 13,000 na kaha ng mga alak ang karga ng kanilang barko mula bayan ng Opol ng lalawigan ng tatlong beses nakasalubong ang malakas na hangin at mga alon na dahilan na nae-manyuber ito papunta sa hindi masyado malalim na lugar bago unti-unting lumubog at sila ay nagtatalunan.