Hindi na interesado ang beteranang Hollywood actress na si Sharon Stone sa pakikipag-date.

Ito ang ibinunyag ng 62-anyos actess sa ” Drew Barrymore Show”.

Sinabi nito na sa dalawang beses na itong na-divorced ang kasal ay pagtutuunan na lamang niya ng maraming atensiyon ang kaniyang mga anak at kaibigan.

Itinuturing lamang niya ang pagkakaroon ng bagong ka-relasyon bilang isang pabigat.

Unang ikinasal ang actress sa movie producer na si Michael Greenburg noong 1984 at sila ay naghiwalay matapos ang tatlong taon.

Noong 1998 ay ikinasal ito sa American journalist na si Phil Bronstein at naghiwalay din noong 2004.

Mayroon na itong tatlong anak na lalaki at abala na ito ngayon sa pagpapalaki sa kanila.