Posibleng mamamahinga sa social media si Sharon Cuneta.

Ito ang naging hinala ng mga fans nito matapos na mabasa ang Instagram post ng tinaguriang Megastar.

Nakasaad sa post kasi na ito ay magbabalik.

Wala namang malinaw sa naging post ng 54-anyos na actress dahil naka-disabled ang comment section.

Iniuugnay naman ng ilang milyong fans sa post ng actress ay patungkol sa sinasabing hindi pagkakaunawaan niya sa panganay na anak nitong si KC Concepcion.