-- Advertisements --

Maagang nagtungo sa kani-kanilang mga presinto ang ilang kilalang personalidad para bumoto sa Halalan 2025 ngayong Lunes, Mayo 12.

Ibinahagi nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa social media na sila ay nakaboto na. “Good morning po,” simpleng caption ni Ogie sa kanyang post.

Screenshot from @ogiealcasid / IG

Nagbigay din ng paalala si Kim Chiu, aktres at host na bumoto nang matalino habang siya ay bumoboto rin para sa midterm elections.

Screenshot from @chinitaprincess / IG

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinahayag ni singer-actor Darren Espanto na bumoto na rin siya, at hinihikayat ang publiko na gamitin nang wasto ang kanilang karapatan.

Screenshot from @darrenespanto / IG

Nagbahagi rin ng kanyang pagboto ang aktres na si Heaven Peralejo. “We showed up. Now it’s your turn. Vote with your heart, vote for what matters. Vote wisely,” aniya.

Screenshot from @heavenparelejo IG

Kasama ang asawang si Kiko Pangilinan na tumatakbo sa pagka-senador, bumoto rin si Megastar Sharon Cuneta ngayong araw.

Samantala, ibinahagi rin ni Senador Robin Padilla sa kanyang social media ang kanyang litrato na may tinta sa daliri bilang patunay ng kanyang pagboto.