-- Advertisements --
Ibinahagi ng singer-actress Sharon Cuneta ang pagtatapos sa pag-aaral ng anak na si Frankie sa New York.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan kasama ang anak at si Senator-elect Francis ‘Kiko’ Pangilinan.
May ilang larawan din ito na ibinahagi na makikitang nasa malayo ang kanilang naupuan hanggang sila ay nakalapit.
Nasorpresa din ang ang anak ng makita ang dating yaya na si Irish matapos ang graduation.
makikita rin sa larawan ang mga kapatid din ni Frankie na sina Miel at Miguel.