-- Advertisements --

Iniatras na ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan at asawang si Sharon Cuneta ang kasong cyberlibel laban kay entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Ayon sa senador na nagkaroon ng settlement ang dalawang kampo sa Makati Regional Trial Court Branch 148.

Dagdag pa ng abogado ng senador na si Atty. Maria Fricela Kim na dahil sa kasunduan ay nagpasya ang judge na ibasura na lamang ang kaso.

Magugunitang noong Mayo ng nakaraang taon ng maghain ng cyberlibel complaint ang Senador dahil sa mga komento ni Fermin sa kaniyang online show.