Ivana Alawi
Ivana Alawi/ IG post

Hindi na lamang pinapansin ng sexy actress na si Ivana Alawi ang mga nag-aalok sa kaniya ng indecent proposals.

Sinabi ng 28-anyos na actress, maraming mga nag-alok sa kaniya subalit kaniya itong hindi pinapansin.

Maaring dahil sa kaniyang sexy image aniya kaya maraming mga kalalakihan ang nag-aalok sa kaniya na makasama.

Ipinaparating ito sa ibang mga kakilala niya subalit giit ng actress na hindi siya nagpapabili.

Bukod sa pagpapaseksi ay nais ipakit nito ang kagalingan din nito sa pag-arte.