Umatras na sa pagsali sa Yarra Valley Classic sa Melbourne, Australia si US tennis star Serena Williams dahil sa right shoulder injury.

-- Advertisement --

Sinabi ng WTA na dahil sa injury ay minabuti ng 39-anyos na US tennis star na hindi na maglaro.

Nauna ng tinalo nito ang kapwa US tennis player na si Danielle Collins sa score na 6-2, 4-6, 10-6.

Ang nasabing injury ay lumabas ilang araw bago ang pagsisimula ng Australian Open.

Umaasa ang ilang fans nito na makakapaglaro na ito sa Australian Open para makamit nito ang ika-24 Grand Slam title nito.