Pinatawan ng $10,000 multa ng All England Club si Serena Williams.

Ito’y matapos nitong masira ang court habang nag-eensayo bago magsimula ang Wimbledon tournament.

Maliban kay Williams, pinagmulta rin ng $3,000 ang Italian na si Fabio Fognini dahil sa pahayag nito na sana raw ay bombahin ang Wimbledon.

Dalawang multa naman ang ipinataw kay Nick Kyrgios, isang $3,000 sa first round at $5,000 sa second round dahil sa unsportsmanlike conduct.

Yumuko ang Australian kay Rafael Nadal sa apat na sets noong second round.

Si Williams, na seven-time Wimbledon champion, ay nakausad na sa quarterfinals ng All England Club sa ika-14 pagkakataon makaraang magreyna ito kontra Carla Suarez Navarro 6-2, 6-2.