Magpapamahagi ng 4.25 million na facemask si US tennis star Serena Williams sa mga paaralan sa US.

Kasunod ito ng muling pagbabalik eskuwela sa mga susunod na buwan.

Kasama ng 23-grand slam champion ang t-shirt company na Bella+Canvas, National School Board Association at Scholastic para sa pamamahagi ng face coverings.

Magbibigay din ang proyekto ng mga educational materials sa 54 million na mga bata sa 115,000 paaralan sa US.