-- Advertisements --
Itinanggi ni US womens’ tennis champion Serena Williams na ito muling magbabalik sa paglalaro.
Naging matunog kasi ang nasabing usapin ng ito ay nagparehistro sa drug-testing body ng tennis.
Dagdag pa ng 44-anyos na 23-time Grand Slam champion na ayaw niyang gamitin ang pagreretiro at sa halip ay nais niyang mag-evolve palayo sa tennis.
Mula kasi noong 2022 ay hindi na ito naglaro ng matalo siya sa ikatlong round ng US Open.
Magugunitang noong Hulyo ay nagbalik sa paglalaro ang nakakatandang kapatid nito na si Venus sa edad na 45.
Magkasama ang magkapatid ng magwagi sila ng tatlong Olympic Gold Medals sa mga nagdaang Olympics.
















