-- Advertisements --
sdw

Pasok na ang Serbia para sa finals ng 2023 FIBA ​​World Cup.

Tinalo ng Worlds No. 6 na Serbia ang Canada sa score, 95-86, sa semifinals ng World Cup nitong Biyernes para sungkitin ang unang ticket sa finals.

Maagang kumapit ang Serbians sa malakas na first half at tinapos ito sa 52-39, bago lumobo ang kalamangan sa 17, sa score na 80-63, sa unang bahagi ng final frame.

Nanguna si Bogdan Bogdanovic sa Serbia na may 23 puntos, apat na rebound at tatlong assist, habang si Nikola Milutinov ay nagtala ng 16 puntos at 10 rebounds.

Pinangunahan naman ni RJ Barrett ang Canada na may 23 puntos, tatlong rebounds, at dalawang assist, habang nagdagdag si Dillon Brooks ng 16 puntos.

Umiskor pa si Shai Gilgeous-Alexander ng 15 puntos.

Dahil dito, hihintayin ng Serbia ang mananalo sa semfinal match sa pagitan ng team USA at Germany para matukoy ang kanilang kalaban sa finals.

Ang Serbia ay pinakahuling pumasok sa finals noong 2014 World Cup, kung saan natalo sila sa Estados Unidos.

Noong 2019, nagtapos ang Serbia sa ikalimang puwesto.