-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 8 kada taon bilang National Green Building Day para isulong ang sustainable development sa construction sector.
advertisement

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation 1030 noong Oktubre 21 na naglalayong ipalaganap ang awareness o kaalaman sa tamang paggamit ng resources, water anf waste management at integration ng mga eco-friendly processes and systems.

“There is a need to provide opportunities to encourage cooperation between the public and private sectors in advancing the government’s commitment to protect the environment,” nakasaad sa proklamasyon.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kasama ang mga non-government organizations (NGOs) at civil society groups sa pagsusulong ng National Green Building Day sa pamamagitan ng mga proyekto, programa at aktibidad.

Nagbigay din ng direktiba si Pangulong Duterte sa lahat ng government agencies, state-owned corporations, gayundin ang mga state universities and colleges (SUCs) na suportahan ang DPWH.

Ang nasabing petsa, Setyembre 8 ay idineklara ring special working day sa pamamagitan ng Republic Act 11370 kaugnay sa paggunita ng Feast of the Nativity ni Mama Mary.