Pormal nang inialok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuyang P1 million sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga hindi pa sumusukong convicted criminals na napalaya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang anunsyo bago matapos ang 15-day deadline na ibinigay bukas, Setyembre 19, para lumutang at sumuko ang mga nasabing inmates lalo ang mga convicted sa heinous crimes.
Sinabi ni Pangulong Duterte, “dead or alive” ay tatanggapin niya pero mas magandang option kung patay na nga ang mga ito.
Hindi naman malinaw o binanggit ni Pangulong Duterte kung saan manggagaling ang pondo para sa tig-isang P1 million reward sa halos 2,000 convicts.
“Basta ako sinabi ko, I will just set the timeline and then the one million prize is available to those who can capture them dead or alive. But maybe dead would be a better option. I will pay you smiling. Ibalik ko ‘yan preso, makakain pa ‘yang p** i* ‘yan. Gagastos pa ako,” ani Pangulong Duterte.