-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senadora Imee Marcos na nagkita sila ni Atty. Nicholas Kaufman, ICC legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Nagtungo sa the Hague, Netherlands si Senadora Marcos Kasama si Vice President Sara Duterte.

Sa post ni Marcos, sinabi raw niya kay VP Sara na alam niya ang pakiramdam ng mawalay sa sariling bayan. 

Simula’t sapul aniya batid ng bise presidente ang laman ng kanyang puso patungkol sa di katanggap-tanggap na sinapit ng dating pangulo. 

Isa daw siyang Marcos na natuto sa kasaysayan o sa kanilang naging karanasan noong mapatalsik ang kanyang ama sa puwesto at ipadala sa labas ng bansa. 

Hangad naman ng senadora na magawan ng paraan para maiuwi sa bansa ang dating pangulo.