Hindi umano matatakpan ang pagkakadawit ni Department of Health Sec. Francisco Duque III sa anomalyang nagaganap sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) kahit pa napili ito ng World Health Organization (WHO) Regional Committee bilang chairperson ng Western Pacific.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na kahit pa naging chairperson si Duque ng nasabing international body ay hindi nito mabubura ang isyu na hinaharap ng Philhealth at kapalpakan ng DOH na tugunan ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Gayunman, magkaiba umano ang magiging papel ni Duque sa WHO at kaniyang ginagampanang trabaho sa health department ng Pilipinas.
Pinangunahan ni Sotto ang imbestigasyon ng Senado sa isyu ng Philhealth noong Agosto kung saan isinama ang pangalan ni Duque na dapat ay sampahan ng kaso kaugnay ng umano’y illegal cash advances ng state health insurer.
Sa pananaw naman ni Sen. Panfilo Lacson, kailangan pa rin daw si Duque bilang secretary ng DOH sa kabila ng bago nitong papel sa WHO.
“Ang Senate up close nakita namin ang sabhin na nating inefficiency in the performance. Hindi lang itong latest investigation sa PhilHealth pero even before that, nagkaroon ng investigation, nakita namin ang conflict of interest,” wika ni Lacson.
Nakita rin aniya nila ang mga gamot na malapit nang ma-expire.