Nilinaw ng Malacañan na ang P60-80 bilyong halaga ng pondo mula sa panukalang 2025 National Budget na hindi pinahintulutang ilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto, na nagpahayag na ang nasabing halaga ay hindi umaayon o nakabatay sa Philippine Development Plan.
Binigyang-diin ni Recto na mahalaga ang pagsunod sa plano upang matiyak na ang paggasta ng pamahalaan ay nakatuon sa mga prayoridad na makakatulong sa pag-unlad ng bansa.
Ayon naman kay Communications Undersecretary Claire Castro, ang malaking bahagi ng pondong ito ay nakalaan para sa mga proyekto sa imprastraktura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na isiningit ng nakaraang Kongreso.
Idinagdag pa ni Usec. Castro na ang Department of Budget and Management (DBM) ang magdedesisyon kung paano gagamitin ang pondong ito.
Posible aniyang ilipat ang pondo sa ibang mga programa at proyekto ng pamahalaan, lalo na’t hindi pa naman pinal ang 2025 National Budget.
Kaya naman, mayroon pang pagkakataon na baguhin ang alokasyon ng pondo upang masiguro na ito ay makakatulong sa mga programa na mas kailangan ng taumbayan.