Ilalagay sa locked down ngayong araw March 12 ang senado.

Ito ay matapos na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ang isa sa naging resource person na dumalo sa isang pagdinig.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III, posibleng abuting ilang araw ang pagpapasara ng senado.

Dahil dito ay nagpasya na rin ang ilang senador na ipagpaliban ang mga nakatakdang pagdinig.

Magugunitang kinumpirma ng DOH na positibo sa COVID-19 ang isang resource person na dumalo sa Basic Education, Arts, and Culture noong nakaraang Marso 5.