Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na nakahanda ang Senado na makatrabaho ang Kamara kahit sino pa ang kanilang magiging speaker basta magkakapareho sila ng hangarin.
Ginawa ni Sotto ang pahayag sa gitna ng inaabangang pormal na anunsyo kung ang term-sharing agreement sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ay masusunod.
Sinabi ni Sen. Sotto, ipagpapatuloy ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Kongreso ang koordinasyon sa mga priority measures sa pamamagitan ng “mini” Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) kahit sino pa ang kanilang speaker.
Kagabi, pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Cayetano at Velasco kaugnay sa House leadership kung saan lumalabas na si Velasco na umano ang susunod na speaker simula Oktubre 14.