-- Advertisements --

Nagbigay ng paalala at babala ang Office of Civil Defense (OCD) hinggil sa mga posibleng pagpapatuloy ng pagtaas ng tubig o pagbaha at pati na rin ilang mga landslides sa ibat ibang rehiyon sa bansa.

Ilan sa mga binabantayan ngayon ng OCD ay ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaha sa iang malalaking bahagi nito, bantay sarado rin ang mga banta ng landslides sa Gitnang Luzon at Northern Luzon bunsod pa rin sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyo at habagat.

Ayon kay OCD Officer-in-Charge Asec. Rafaelito Alejandro IV, saturated na masyado ang lupa dahil sa ilang linggong pagulan at ngayon naman ay bunsod na ng Bagyong Dante at Emong kaya naman ibayong pagiingat at alerto ang ipinapayo sa mga residente.

Batay kasi sa datos ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) nasa higit 3,000 barangay sa buong bansa ang nanganganib dahil sa matinding pagbaha at posibilidad ng pagguho ng lupa.

Samantala, patuloy ang mga katuwang na ahensya sa pangunguna ng OCD na magsagawa ng mga preemptive evacuations sa mga apektadong komunidad.

Ang mga assets at kagamitan naman ng ahensya at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nakapokus ngayon sa mga lugar sa NCR, Central Luzon, CALABARZON, at Negros Island na siya namang inaaasahang makakatanggapa ng pinakamalalang pagtama ng bagyo.