-- Advertisements --

Iginiit ni Bangko Sentral ng Pilipinas na naging maagap ang kanilang ginawang interventions para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, dahil kasi sa krisis, natakot ang mga tao na gumastos o maglabas ng pera habang nagsara rin ang mga negosyo bunsod ng lockdown kaya nagkaroon ng problema ng liquidity o pag-ikot ng cash sa merkado.

Ayon kay Gov. Diokno, unang-una sa kanilang ginawa ng nag-cut o binawasan ng dalawang porsyento ang reserve requirement o ang bahagi ng deposito sa mga bangko na dapat ilagak sa BSP.

Paliwanag ni Gov. Diokno, bawat isang porsyento na ibinawas sa reserve requirement ay nagpapasok sila ng P100 billion sa financial sisytem para may iikot na pera o cash.

Maliban dito, nag-cut din umano sila ng interest noon pang Pebrero para matulungan ang mga bangko.

Sa kabuuan, nakapag-release na umano ang BSP ng P1.5 trillion para mapalakas ang liquidity sa bansa para maiwasang tumigil ang mga economic activities sa kabila ng lockdown.