-- Advertisements --

Isang construction worker ang nasawi, isa ang nasagip, at dalawa pa ang nawawala matapos matabunan ng landslide ang isang barracks sa Barangay Iruhin West, Tagaytay City noong Huwebes.

Ayon sa ulat ng Calabarzon Police, gumuho ang pader ng perimeter wall bandang alas-10 ng umaga dahil sa malalakas na pag-ulan, na nagdulot ng pagguho ng lupa at bato.

Patuloy ang retrieval operations para sa dalawang nawawalang manggagawa.

Ayon kay Capt. Michelle Bastawang ng Cavite Police, ang malalakas na pag-ulan ay dulot ng habagat na pinalala ng Severe Tropical Storm Emong.