-- Advertisements --

Kumpirmado na ang hiwalayan nina Elisse Joson at McCoy de Leon, dalawang taon matapos muling magkabalikan.

Ito’y kasunod ng anunsyo ni Elise sa kanyang Istagram ngayong Biyernes, Hulyo 25 na nagtapos na ang kanilang pagsasama, kalakip ang mga alaala kasama ang anak na si Felize.

‘My biggest dream in life has always been to build a family I could call mine. A home. That dream shaped me. It grounded me,’ pahayag nito sa kanyang social media.

Ayon kay Elise, pareho silang nagsikap na ipaglaban ang kanilang relasyon, ngunit napagdesisyunan na nilang tuluyan nang maghiwalay para sa kapayapaan at personal healing. Aniya, “Letting go doesn’t mean we failed. Because what we had was real. And it gave us the greatest gift—our Felize.”

Bagamat hiwalay na, tiniyak ni Elise na mananatili silang pamilya para kay Felize. Hiniling din niya sa publiko ang pag-unawa at respeto sa kanilang desisyon.

Magugunitang nag-ugat ang relasyon ng dalawa sa Pinoy Big Brother noong 2016, at biniyayaan sila ng anak noong 2021. Naging usap-usapan ang kanilang relasyong on-and-off, kabilang ang mga isyu ng umano’y pagtataksil noong 2023.