Ipinapatupad na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang integrated disaster action plan nito para malimitahan ang epekto ng bagyong Emong, Dante at habagat sa transmission lines at mga pasilidad.
Kabilang sa nakalatag na action plan ang pre-positioning ng line crew sa mga estratehikong mga lugar, pagsusuri sa mga communications equipment at pagtiyak sa availability ng hardware para sa agarang pagkumpuni sa mga napinsalang transmission facilities.
Ayon sa grid operator, mahalaga ang mga paghahandang ito para masiguro ang mabilis na pagpapanumbalik sa suplay ng kuryente sa mga lugar na naapektuhan ng mga kalamidad.
Base naman sa update mula sa NGCP kaninang alauna ng hapon, nananatiling nasa normal na operasyon ang lahat ng transmission lines at mga pasilidad nito.