-- Advertisements --

Aprubado na ng Senado ang report ng Blue Ribbon Committee na nagrerekomenda na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Education at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management o PS-DBM.

May kaugnayan ito sa isyu ng pagbili ng overpriced at outdated na mga laptops para sa mga public teachers.

Sa nasabing blue ribbon committee report na overpriced ang P979 milyon na ipinambili ng 39,600 units na mga laptops ng PS-DBM gamit ang P2.4 bilyon na pondo ng DepEd.

Ipinapabawi rin ng Blue Ribbon Committee ang sobrang ibinayad sa supplier ng laptops at inirekomendang buwagin na dapat ang PS-DBM.

Tanging si Senator Jinggoy Estrada lamang ang tumutol sa pag-apruba ng committee report kung saan mayroon itong dissenting opinion ukol sa reports.

Habang magsusumite naman ng minority report si Senate Minority Leader Koko Pimentel na isasama naman sa committee report.