Pinapaiwas pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga turista, residente na magtungo sa palibot ng bulkang Kanlaon, sa kabila ng tuluyang pagbaba ng alerto nito.
Kagabi (July 29) nang tuluyang ibinaba ng Phivolcs ang alerto sa naturang bulkan mula sa dating Alert Level 3 o magmatic unrest patungo sa moderate lebel of volcanic unrest o Alert Level 2.
Sinundan din ng Phivolcs ng panibagong babala ng naturang abiso at binalaan ang mga residente at mga turista ukol sa panganib at bantang dulot ng Kanlaon, lalo na sa 4-kilometer radius permanent danger zone nito.
Ayon sa Phivolcs, delikado pa rin ang sitwasyon sa palibot ng bulkan dahil nananatili ang posibilidad ng mahihinang pagputok o pagbuga ng mga usok at volcanic materials.
Disyembre-9, 2024 nang itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa naturang bulkan kasunod ng malakas na pagsabog nito.
Nagpatuloy ang naturang alerto hanggang kahapon nang tuluyan itong ibinaba sa Alert Level 2.