-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na muli itong nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, tatlong ulit siyang sumalang sa rapid test at pawang negatibo ang resulta, pero nang magpa-swab test siya ay lumabas na positibo itong muli sa naturang sakit.

Matatandaang si Zubiri pa ang nangasiwa sa pagbabalik sa sesyon ng mga senador sa pagbubukas nito mula sa kanilang bakasyon.

Pero hindi na siya tumuloy sa Batasan Complex, kahit kasama sana ito sa listahan ng walong kakatawan para sa panig ng upper house.

Nilinaw naman nitong wala siyang nararamdamang anumang sintomas ng COVID.

“To allay the rumors on why I was not able to attend the SONA presentation in the Batasan is because even after 3 rapid tests that showed that I was negative for Covid 19 but possessing antibodies with positive IGg. My swab test however showed that i was positive once more for covid. According to doctors it is possible that the test detected remnants of the dead virus cells in my body as I am a covid survivor. So i decided to forgo any other appointments and head back to my isolation room for quarantine. I had myself swabbed again by the Philippine Redcross this afternoon just for confirmation and im hoping that its a negative result there to confirm what our infectious disease experts told me earlier. I feel absolutely fine, wala po akong nararamdaman at wala po akong mga symptoma. But its better to be safe and to keep everyone safe from this virus. And i will continue to work from isolation virtually until i get my consecutive negative results after quarantine. Thank you for everyone’s concerns,” wika ni Zubiri.

Una rito, noong Marso ay nagpositibo na rin ang senador sa naturang sakit.