Ikinatuwa ni Senate Migrant Workers Chairman Raffy Tulfo na nakatanggap na ng bayad ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.
Ang mga OFW na nawalan ng trabaho ay dahil sa nabangkaroteng Saudi Arabian construction companies.
Una rito, taong 2015 at 2016 nang ma-terminate sa trabaho ang 10,544 na OFW sa Saudi Arabia.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may kabuuang 1,104 indemnity cheques mula sa Alinma Bank na nagkakahalaga ng P868,740,544 ang naproseso na ng Overseas Filipino Bank at Land Bank.
Sa nasabing bilang, 843 na ang naayos at naibigay sa kinauukulang OFWs.
Nagpasalamat naman ang migrant workers chairman kay pangulong Marcos sa dedikasyon nito sa pagtulong at pagtutok sa kapakanan ng mga tinagurian mga makabagong bayani.
Pinasalamantan din niyo ang Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman dahil sa pagtupad sa kanyang pangako.