GENERAL SANTOS CITY – Nais ni Senator Manny Pacquiao na personal na bisitahin ang mga typhoon hit areas ng bagyong Auring.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag nito na nagpadala na ito ng tulong sa lalawigan ng Surigao del Sur kung saan lubog ngayon sa tubig-baha.

Aniya, nakikipag-ugnayan na ang kampo sa LGU Surigao del Sur para sa kanyang balak ng pagbisita sa lugar.

Sa kabilang banda, namahagi ang Fighting Senator ng foods packs, bigas at tig P1,000 cash ng bisitahin ang mga residente sa Brgy Fatima GenSan.

Bakas sa mukha ng mga ito ang tuwa ng makatanggap ng biyaya mula kay Pacman.