GENERAL SANTOS CITY – Hindi na babalik pa ng General Santos si WBA regular welterweight Champion Manny Pacquiao para sa kanyang training camp sa nalalapit na laban nito kay WBA Super welterweight champion Keith Thurman dahil nakapukos na ito ngayon sa training kasama si Buboy Fernandez.

Ayon kay elect OFW and Family Partylist Rep. Bobby Pacquiao na pinaghandaan ni Manny ang laban matapos pinaringgan ni Thurman na may edad na ang kapatid.

Dahil dito maaga ang ginawang paghahanda para patunayan ng fighting senator na hindi pa ito laos.

Sinabi pa nito na Hunyo 16 lilipad patungog Los Angeles ang Team Pacquiao para ma-adopt ni Pacquiao ang temperatura sa lugar.

Dagdag ni Bobby na kung umaga nililibot nila ang Forbes park sa Makati para mag jogging habang sa gym naman kung hapon para sa punch mitts, heavy bags, skipping rope at speed ball.

Pagtaya pa nito na nasa 80 porsiyento nang ready ang kapatid sa bakbakan laban kay Keith Thurman ngayong Hulyo 20 sa Las Vegas, USA.