-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kanya ng naihain ang mosyon sa Office of the Ombudsman para maresolba na ang reklamong kinakaharap.

Ngunit bagama’t nakapagsumite na ng ‘Motion for Early Resolution’, aniya’y sinundan naman ito ng paghahain ni Senator Imee Marcos ng oposisyon.

Kung hindi mareresolba ang reklamo at bigong makakuha ng Ombudsman clearance ang naturang kalihim, posibleng hindi ito mapabilang sa shortlist ng mga nominado pagka-Ombudsman.

“Meron na, merong nag-file na… Imee Marcos,” ani Sec. Jesus Crispin Remulla ng DOJ.

Ang ‘Ombudsman clearance’ ayon sa Korte Suprema ay siyang isa sa mga requirements ng Judicial and Bar Council para mapabilang sa Ombudsman nominees shortlist ayon sa Korte Suprema.