Iginiit ni Sen Imee Marcos na “very obvious” umano ang ginagawang panghihimasok ng administrasyon sa mga usapin ng Senado, lalo na kaugnay ng kontrobersyal na panukalang payagan ang online voting ng mga senador.
Ayon kay Marcos, malinaw umanong nakikialam ang Malacañang sa internal na usapin ng Senado matapos tutulan ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang amyenda sa Senate rules na magpapahintulot sa remote participation ng mga senador.
Nauna nang sinabi ni Pang. Marcos na tila ginawa lamang ang panukala upang makalahok pa rin si Senador Ronald dela Rosa sa mga sesyon kahit may kinahaharap itong arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Dahil dito, sinabi ni Sen Imee Marcos na posibleng nalalabag na ang hangganan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura. Aniya, tila nais umanong pahinain ang Senado upang hindi nito maisulong ang mga imbestigasyon, kabilang ang mga usapin sa Blue Ribbon Committee. (report by Bombo Jai)
















