Iminungkahi ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagsasama ng mga kinatawan mula sa religious sector sa Independent Commission on Infrastructure, na layuning magbantay at magbigay ng rekomendasyon sa mga malalaking proyekto ng pamahalaan.
Ayon kay Cayetano, mahalagang may boses ang mga faith-based groups sa mga usaping may kinalaman sa pambansang kaunlaran, upang masiguro ang moral at etikal na pananaw sa pagpapatupad ng mga imprastrukturang proyekto.
Ang panukala ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ni Cayetano para sa transparency at citizen participation sa mga proyekto ng gobyerno, lalo na sa mga may malaking pondo at epekto sa komunidad.
Mahalaga rin umano na magkaroon ng malinaw na plano ang independent body at pairalin ang full transparency.