Tahasang sinabi ni Senador Ronald Bato Dela Rosa na kung ayaw sa kanya ng Estados Unidos at tuluyan kinansela na ang kanyang US visa sa China na lang siya pupunta para magbakasyon.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Dela Rosa hindi pa niya natatanggap ang pahayag o pormal na anunsyo ng embahada ng Estados Unidos ukol sa pagkansela ng kanyang US bisa tulad ng napapabalita.

Aminado ang senador kung sakaling nakansela na ang kanyang visa ay labis siyang nalulungkot dahil hindi na niya mapapasyalan ang mga kamag-anak sa Amerika.

Sinabi ni Dela Rosa na magpapadala siya ng liham sa embahada upang malaman kung talagang kinansela na ang kanyang dokumento dahil sa isyu ng war on drugs ng Duterte administration.

Ayon kay Sen. Bato, mali ang mga impormasyon na nakuha ng US sa pagkakadawit sa kanya sa paglabag sa karapatang pantao.

Subalit aniya kung talagang pagbabawalan na siyang pumasok sa Amerika bukas naman ang China para doon na lamang sila magbakasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here