Ibinahagi ni Senator Alan Peter Cayetano na kanyang hanap sa susunod na panibagong Ombudsman ay may tatlong ‘i’.
Sa panayam ng Bombo Radyo, kanyang pakahulugan aniya’y dapat mayroong integrity, intelligence at insights.
Naniniwala ang naturang senador na ganitong katangian ang nararapat maging susunod na uupo sa naturang posisyon.
Paliwanag niya’y hindi ito magkakahiwalay kundi ang tatlong nabanggit ay kanyang hanap bilang kwalipikasyon pagka-Ombudsman.
Kulang raw ang integridad kung walang husay sa kaalaman o talino para labanan ang korapsyon at mga tiwalang opisyal sa gobyerno.
Habang nabanggit din niya na dapat ‘updated’ ang Ombudsman sa kasalukuyang mga isyu upang kadyat na kumilos para mapigilan ang korapsyon.
Ang naturang senador ay kabilang sa mga panel of interviewers ng Judicial and Bar Council bilang kinatawan ng senado sa public interview ng mga kandidato pagka-Ombudsman.