-- Advertisements --
Nasawi ang dalawang katao matapos na makasagupa ng mga kapulisan ang mga nagsasagawa ng kilos protesta sa Iran.
Ilang araw ng isinagawa ang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng Iran dahil sa inirereklamo nila ang paghina ng ekonomiya.
Base sa imbestigasyon na armado ang mga protesters at pinaputukan ang mga kapulisan kaya gumanti ang mga ito.
Ang protesta ay isa sa pinakamalaking naganap sa Iran mula noong 2022 ng masawi ang 22-anyos na si Masha Amini habang ito ay nasa kustodiiya ng kapulisan kung saan inaresto siya dahil sa hindi tamang pagsuot ng handscarf.
















