CEBU CITY – Inihayag ni Cebu City Vice-Mayor Michael Rama na matutuloy pa rin ang taunang Sinulog Festival sa 2021 ngayong “new normal.”
Ibinunyag ng bise-alkalde na may mga pagbabago sa magaganap na kapistahan ngayong Enero dahil maliit ang kanilang pondo ngayon alinsunod sa naranasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Ayon kay Rama na gagawing virtual ang nakasanayang grand showdown kung saan magpapadala na lang ng video performance ang mga out-of-town contingents.
Dagdag pa nito na apektado din ang premyong ibibigay sa mga mananalong contingent dahil sa laki ng binawas na budget para sa nasabing selebrasyon.
Samantala, pag-aaralan din ng City Government at ng mga organizers kung itutuloy pa ba ang iba pang mga aktibidad sa kapistahan ni Señor Sto. Niño gaya ng Sinulog sa kabataan, Sinulog sa lalawigan, at iba pa.