-- Advertisements --

Nasa final phase na ng paghahanda ang Presidential Security Group (PSG) para sa kauna-unahang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Hulyo 25, 2022.

Ayon kay PSG Commander Col. Ramon Zagala, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa hanay Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Bureau of Fire Protection (BFP), upang matiyak na magiging maayos ang kaganapan sa Lunes, mula sa pagdating ng pangulo sa Batasang Pambansa, pag-deliver nito ng kaniyang talumpati, at hanggang sa pagbalik nito sa Malacañang.

Sinabi ng opisyal na magdi-deploy sila ng sapat na tauhan upang tiyakin ang proteksyon hindi lamang ng Pangulo at first family, bagkus ng lahat ng bisita na dadalo sa SONA ng punong ehekutibo.

Sa kasalukuyan, wala naman silang natatanggap na impormasyon kaugnay sa posibleng banta o manggulo sa SONA ni Presidente Marcos.