Baguio City—Tutukan ng Mobile Force Company ng Benguet Police Provincial Office (PPO) ang pagpapatupad nila ng security operations kontra sa mga rebeldeng grupo sa probinsya ng Benguet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Pol. Lt. Col. Radino Belly, Force Commander sa nasabing unit, nagpapatupad at nagsasagawa sila ng seminars sa ibat ibang barangay at paaralan sa probinsya tungkol sa posible na pag-recruit na mga rebelde na grupo sa mga menor de edad at ang pagpapatuloy ng kampanya nila kontra sa iligal na droga at krimen.

Sinabi niya na nagpapatuloy ang monitoring nila sa ibat ibang lugar ng Benguet para sa mapayapa at malinis na probinsya.

Samantala, binabantayan ng PMFC ang bayan ng Kibungan at Bakun dahil sa mga operasyon ng iligal na marijuana.

Ginagawa nila ang lahat nilang makakaya para maaresto ang mga residente at indibidual na kasama o sangkot sa operasyon ng iligal na droga sa lokalidad.

-- Advertisement --