ILOILO CITY- Ibinunyag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na runaway winner na si Rabiya Mateo ng Iloilo City bago tinanghal bilang Miss Universe Philippines 2020.

Si Roque ay isa sampung mga judges sa coronation na ginanap sa Baguio City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Roque, sinabi nito na sa swimsuit at gown competition pa lang, nangibabaw na si Rabiya laban sa 45 mga kandidata.

Ayon kay Roque, labis ang kanyang galak dahil isang Ilongga ang nanalo sa pageant.

Napag-alaman na ang ina ng presidential spokesperson ay tubong Jaro, Iloilo City.

Nirerespeto naman umano ni Roque ang sagot ni Rabiya sa Q&A na si the late Sen. Miriam Defensor Santiago ang the best president we never had.