-- Advertisements --

Tinupad na ni Securities and Exchange Commission (SEC) chairperson Francis Lim ang naging pangako nito sa unang araw ng pag-upo niya sa puwesto.

Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng reasonableng pagbawas sa mga bayarin sa mga micro, small and medium enterprises (MSME).

Sa inilabas nitong Memorandum Circular 8 nitong Hulyo 16 ay nais nilang mabigyan ng suporta para lumago ang mga MSME sa pamamagitan ng pagbibigay ng discounted rates sa ilang mga filing fees.

Nakasaad sa nasabing memorandum na ang anumang MSME na nais magrehistro sa corporation ay mabibigyan ng 20 percent discount sa mga registration fees.

Habang ang mga MSME na nais na dagdagan ang kanilang capital stock sa pamamagitan ng pag-ameyenda ngk anilang articles of incorporation ay mabibigyan ng 25 percent discount sa filing.

Ang mga discounted rates ay magiging epektibo sa Disyembre 31, 2025.