Mas mababa na ng P10 kumpara sa average ang presyo ng bigas sa bansa isang taon matapos na maipatupad ang Rice Tariffication Law.
Sinabi ni Trade Sec. Ramon Lopez na kung “kung dati mga P49 pataas ang presyo ng well-milled rice, ngayon mga P40 pababa naman, mga P38, P39. In fact, meron pa ngang P36.”
Kung dati aniya biriha o iilan lamang ang may ganitong presyong bigas, sinabi ni Lopez na dahil sa Rice Tariffication Law ay halos available na sa lahat ng mga pamilihan ang murang bigas.
Nabatid na sa ilalim ng Rice Tariffication Law, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero ng nakaraang taon, pinapahintulutan ang imporation ng bigas pero kailangan ng private sector traders na makakuha ng phytosanitary permit mula sa Bureau of Plant and Industry at magbayad ng 35 percent na taripa para sa shipments mula sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asia.
Itinatakda rin ng batas na ito ang P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para matulungan ang mga lokal na magsasaka na mapabuti ang kanilang hanapbuhay.
Ang pondong ito ay huhugutin mula sa mga nakolektang taripa mula sa mga inaangkat na bigas ng mga prive sector traders.
Sa naturang halaga, P5 billiona ng ilalaan para sa farm mechanization, P3 billion ang para sa seedlings at P1 billion naman para sa pinalawak na rice credit assistance.
Ayon kay Lopez, natatanggap na ng mga magsasaka ang benepisyo ng RCEF.