sea games athletes PH

Hindi pa rin mapigilan ang pamamayagpag ng mga Pinoy athletes sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games ng pito pang gold medals ang nadagdag ngayong araw.

Dahil dito nalampasan na ng Pilipinas ang worst finish nito noong huling SEA Games na ginanap noong 2017 Kuala Lumpur, Malaysia na meron lamang 23 medalyang ginto.

Kabilang pa sa nagdagdag ngayong araw lamang sa gold medal rush ng Pilipinas ay ang panalo nina:

HIDILYN DIAZ – 55kg. Weightlifting
LEA DENISE BELGIRA – Women’s Mountain Bike Downhill
MONICA TORRES – Women’s individual duathlon
JOHN DERICK FARR – Men’s Mountain Bike Downhill
JESFER HUQUIRE – Arnis men’s bantamweight padded stick
EDMAR TACUEL – Pencak Silat, Seni Tunggal
CARLORD TEJADA – Arnis Men’s Welterweight Full Contact – Padded Stick
ELMER MANLAPAS – Men’s Featherweight Full Contact – Padded Stick
GILAS PILIPINAS WOMEN – 3×3 women’s basketball
GILAS PILIPINAS MEN – 3×3 men’s basketball
SHEENA DEL MONTE – Arnis women’s bantamweight padded Stick
JEDAH MAE SORIANO – Arnis Women’s Featherweight Padded Stick