Sinuspinde ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng sea travel sa Romblon, Marinduque, at Batangas nitong Linggo, Oktubre 19, dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Ramil.
Ipinatupad ang suspensyon simula alas-5 ng umaga, matapos itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga apektadong lugar. Ayon sa PCG, mananatiling kanselado ang mga biyahe hangga’t hindi bumubuti ang lagay ng panahon at karagatan.
Nagbabala naman ang state weathe bureau na delikado pa rin ang paglalayag para sa lahat ng uri ng sasakyang pandagat dahil sa malalakas na hangin at alon.
Kaugnay nito huling namataan ang Bagyong Ramil sa karagatang sakop ng Iba, Zambales, taglay ang 65 kph na lakas ng hangin at 80 kph na pag-bugso, habang kumikilos pa-West Northwest sa bilis na 35 kph.