-- Advertisements --
ramon tats suzara
PHISGOC Chief Operating Officer Tats Suzara

Lubos na humihingi nang paumanhin ang mga organizers ng 30th Southeast Asian (SEA) Games matapos makatanggap ng maraming reklamo mula sa football teams ng Myanmar, Timor-Leste, Cambodia at Thailand bago pa man magsimula ang kompetisyon.

Ayon sa delegasyon ng Myanmar at Timor-Leste, matagal silang naghintay sa airport bago sila nasundo at naihatid sa kani-kanilang mga hotels.

Sa maling hotel pa dinala ang koponan ng Timor-Leste, pero ayon sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), nagawan naman nila ito ng paraan at inihatid ang mga atleta ng naturang bansa sa kalapit na Hotel Jen.

Samantala, ang Thailand team ay pinaghintay bago makapasok sa kanilang tinutuluyang kuwarto dahil hindi pa handa ang mga ito nang makarating sila sa kanilang hotel, na anila’y masyado ring malayo sa kanilang practice venue.

Maging ang koponan ng Cambodian team ay nakaranas din ng kaparehas na aberya.

Sa isang statement, inamin ni PHISGOC Chief Operating Officer Tats Suzara ang kanilang pagkukulang pagdating sa koordinasyon na nagresulta sa aberyang naranasan ng koponan.

“While PHISGOC strives to ensure proper coordination of the arrival details, airport welcome and transportation provisions of all international teams to their respective assigned hotels, we acknowledge our shortcomings in this particular incident and vow to do better,” ani Suzara. “As to the Cambodian football team, their change in arrival details was relayed late to the PHISGOC Games Services Department.”

“Instead of the arrival time initially relayed to PHISGOC, the Cambodian team arrived in NAIA at 4AM. Transportation was immediately provided, but since their hotel rooms were not yet available because the standard check-in time is 2PM , PHISGOC requested that the team be allowed to wait at an air-conditioned private hotel conference room with tables and chairs where the members could rest and feel comfortable while waiting for their rooms.”

Gayunman, nanindigan ang PHISGOC na walang aberya sa arrivals ng iba pang mga dumating na koponan.

Pero ang insidente na naranasan ng mga koponan na ito ay magsisilbing paalala sa kanila na lalo pang magsipag.

Nabatid na bukas, Lunes, nakatakdang magsimula ang football event ng SEA Games 2019.