-- Advertisements --

Patuloy ang search and rescue operations ng mga diver ng Philippine Coast Guard (PCG) sa dalawang bata na nawawala sa Quezon City.

Unang napaulat na nawawala ang dalawang bata matapos umano nilang subukang maligo sa tumawid sa rumaragasang sapa sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City habang nasa kasagsagan ng mga pag-ulan.

Ilang PCG diver ang patuloy na nagsasagawa ng pagsisid sa malalalim na bahagi ng sapat habang nagpapatuloy din ang search operations sa iba pang bahagi nito.

Hanggang sa ngayon, wala pang ulat kung natagpuan na ang mga bata.

Batay sa naunang ulat ng Office of Civil Defense, umabot na sa pitong katao ang missing na patuloy na isinasailalim sa beripikasyon.