-- Advertisements --

Maagang inanunsyo ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga walang pasok bukas dahil sa masamang lagay ng panahon.

Katuwang nila sa naging rekomendasyon ang Office of Civil Defense at mga miyembro ng gabinete.

Narito ang mga lugar na walang pasok sa lahat ng antasbukas, July 22, 2025:

1. Metro Manila
2. Zambales
3. Bataan
4. Pampanga
5. Bulacan
6. Cavite
7. Batangas
8. Rizal
9. Pangasinan
10. Tarlac
11. Occidental Mindoro

Nagbabala rin sila sa mga nakatira sa mga matarik na lugar dahil sa mataas na posibilidad ng landslide.