-- Advertisements --

Umaabot sa 287 barangay sa Luzon ang kasalukuyang lubog pa rin sa baha dahil sa epekto ng bagyong Crising at umiiral na Habagat.

Ayon sa Office of Civil Defense, ang mga apektadong barangay ay matatagpuan sa Regions I, III, CALABARZON, at MIMAROPA.

Malaki ang pinsala sa Region III at Mindoro kung saan patuloy pa rin ang pag-ulan at pagtaas ng tubig.

Sinabi ni Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV na hindi pa humuhupa ang baha sa mga nasabing lugar.

Sa kabuuan, 835 barangay ang naapektuhan ng pagbaha sa iba’t ibang rehiyon.

Sa kabila nito, halos 429 na barangay na ang humupa na ang baha at unti-unti nang bumabalik sa normal ang kalagayan.