Josh Taylor boxing
-- Advertisements --

Pangarap pa rin ni Scottish boxer Josh Taylor na makalaban si Filipino boxer Manny Pacquiao.

Sinabi nito na kapag matapos na ang laban niya kay Jose Ramirez sa Mayo 22 ay aakyat ito ng timbang sa 147 pounds.

Isa aniya katuparan sa kaniyang pangarap na makaharap ang fighting senator.

Hindi ikinaila ng 30-anyos na boxer ang paghanga nito kay Pacquiao dahil sa pagiging mabuti nito sa mga tao.

Nauna ng ibinunyag ni Pacquiao na sinimulan na nito ang pag-ensayo sa nalalapit na laban.

-- Advertisement --