-- Advertisements --

Pumanaw na ang bassist ng legendary rock band na Scorpions na si  Francis Buchholz sa edad na 71.

Inanunsiyo ng pamilya nito ang pagpanaw ng German rock star matapos ang ilang taon na pakikipaglaban sa cancer.

Mula pa noong high school ay tumutugtog na ito ng bass kung saan nagbuo ito ng bandang “Dawn Road” kasama sina  Uli Jon Roth, Jürgen Rosenthal at Achim Kirschning.

Matapos ang ilang taon ay sumama sila sa bandang Scorpions na kinabibilangan nina  Klaus Meine at Rudolf Schenker.

Nakasama si Francis sa album ng Scorpions na “”Fly to the Rainbow” noon 1974 at mula noon ay nakasama na siya sa bawat konsiyerto at mga albums.

Taong 1992 ng umalis siya sa banda at sumama kay Michael Schenker ng bandang “Temple of Rock”.